GMA Logo Encantadia Chronicles Sang'gre episode 45 teaser
What's on TV

Sang'gre: Pirena at Terra vs. Olgana at Veshdita

By Aimee Anoc
Published August 15, 2025 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE- Sinulog Festival 2026 | GMA Integrated News
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sang'gre episode 45 teaser


Mararamdaman ni Pirena ang Brilyante ng Apoy sa pagdating ng grupo ni Olgana sa mundo ng mga tao!

Matapos malaman sa mga kambal-diwa ng mga Brilyante ang tungkol sa tagapagligtas ng Encantadia na nasa mundo ng mga tao, agad na nagtungo si Mitena (Rhian Ramos) sa Puno ng Asnamon para hanapin ang Sang'greng tagapagligtas, pero nabigo siyang buksan ito.

Sa kabila nito, sa tulong ng mga kambal-diwa ay nalaman ni Mitena na may isa pang lihim na lagusan na nasa dalampasigan ng Adamya.

Dito, hinarap ng kanyang mga tauhan ang sirenang nagbabantay sa nasabing lagusan at nagtagumpay na matalo ito ng grupo nina Olgana (Bianca Manalo) at Veshdita (Shuvee Etrata).

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, inatasan ni Mitena ang grupo ni Olgana na hanapin ang Sang'greng tagapagligtas sa mundo ng mga tao.

Ipinasilip din ang pagpunta nina Olgana, Veshdita, at Koshava sa mundo ng mga tao, at sa kanilang pagdating ay naramdaman ni Pirena (Glaiza De Castro) ang Brilyante ng Apoy.

Ano kaya ang mangyayari sa pagharap nina Pirena at Terra (Bianca Umali) laban sa grupo ni Olgana?

Samantala, naghahanda na sina Adamus (Kelvin Miranda), Flamarra (Faith Da Silva) at Soldarius (Luis Hontiveros) sa kanilang pagtakas mula sa pagkakabilanggo.

Magtagumpay kaya sila?

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

RELATED: BEHIND THE SCENES NG SANG'GRE CAST SA MUNDO NG MGA TAO