
Simula na ng paghahanap ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) kay Terra (Bianca Umali) sa mundo ng mga tao.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, makikita si Sang'gre Pirena na bumibili ng damit sa palengke pero gamit ang ginto bilang pambayad.
Ipinasilip din si Terra suot ang bago niyang costume bilang tagapagligtas ng Distrito VI.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG SANG'GRE CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: