GMA Logo encantadia chronicles sanggre teaser
What's on TV

Sang'gre: Pirena, hihingi ng tulong sa Mulawin para makabalik sa Encantadia

By Aimee Anoc
Published July 22, 2025 12:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Julia Montes surprises Alden Richards at his fan meet
Pop Mart opens cafe-themed pop-up store in QC
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

encantadia chronicles sanggre teaser


Avisala, Almiro!

Hihingi ng tulong si Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) kay Almiro (Derrick Monasterio), hari ng mga Mulawin, sa pagnanais na makabalik sa Encantadia.

Matatandaan na hindi na magamit ni Sang'gre Pirena ang Puno ng Asnamon, ang nagsisilbing lagusan sa Encantadia at mundo ng mga tao, dahil nababalot na ito ng kapangyarihan ni Mitena (Rhian Ramos).

Sa teaser na inilabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, nagtungo si Sang'gre Pirena sa Avila, tahanan ng mga Mulawin, at humingi ng tulong kay Almiro (Derrick Monasterio) para gamitin ang kanilang lagusan papuntang Encantadia.

Pero tila hindi pagbibigyan ni Almiro ang kahilingan ni Sang'gre Pirena.

Samantala sa Encantadia, malalaman na ni Nunong Imaw ang paglabas ng kapangyarihan ni Terra (Bianca Umali) na tanda na malapit nang matupad ang propesiya--ang hinihintay na tagapagligtas ng Encantadia.

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Related content: 'Sang'gre' cast, nakisaya sa 'The Sang'gre Experience'