
Magiging puno ng aksyon at kapanapanabik na mga tagpo ang GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Huwebes!
Sa inilabas na teaser, makikitang ililigtas ni Pirena (Glaiza De Castro) ang akalang Sang'gre mula sa kamay ng mga tauhan ni Governor Emil Salvador (Ricky Davao).
Samantala, sa kaharian ng Encantadia, naghahanda na ang mga mandirigma ni Kera Mitena (Rhian Ramos) upang tumungo sa mundo ng mga tao. Ngunit bago sila makatawid, kailangan muna nilang lagpasan ang pagsubok sa lagusan ng dalampasigan ng Adamya.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: