
Tila mapagbibigyan ang kahilingan ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) na makabalik sa Encantadia!
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, ipinakita ang paglipad ni Almiro (Derrick Monasterio), hari ng mga Mulawin, kasama si Pirena.
Matatandaan na pumunta si Pirena sa Avila, tahanan ng mga Mulawin, at humingi ng tulong kay Almiro para gamitin ang kanilang lagusan papuntang Encantadia.
Ipinasilip din ang panganib na darating kay Flamarra (Faith Da Silva) matapos na matagpuan ni Ednu (Jaime Wilson) ang kanilang pangkat.
Samantala, mapagbibigyan kaya ng Batis ng Katotohanan ang kahilingan nina Imaw at Adamus (Kelvin Miranda) na itago ang katotohanan tungkol sa anak ni Danaya (Sanya Lopez) kay Kera Mitena (Rhian Ramos)?
Sa mundo ng mga tao, magpapakilala na si Terra (Bianca Umali) bilang Sang'gre.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
RELATED CONTENT: 'Sang'gre' cast, nakisaya sa 'The Sang'gre Experience'