
Nagpaalam na si Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) sa kanyang ukay-ukay fashion sa mundo ng mga tao ngayong nasa Encantadia na kasama ang kanyang hadiya (pamangkin) na si Terra (Bianca Umali).
Kinaaaliwan ngayon ng netizens ang Instagram post na ito ni Glaiza De Castro kung saan hindi na ukay-ukay ang kasuotan ni Sang'gre Pirena sa Encantadia, at may photoshoot pa suot ang hiniram na damit kay Danaya (Sanya Lopez).
"Paalam ukay ukay fits. Avisala, Encantadia! Danaya, pahiram muna ng kasuotan, e correi diu (I love you)," sulat ni Glaiza sa kanyang post.
Basahin ang ilan sa nakatutuwang komentong natanggap ng awrahan na ito ni Sang'gre Pirena sa Encantadia.
Samantala, abangan ang muling paghaharap nina Sang'gre Pirena at Kera Mitena (Rhian Ramos) ngayong Martes sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
NARITO ANG ILANG MGA AABANGANG EKSENA SA 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' NGAYONG LINGGO: