
Nailigtas nga ba nina Mira at Lira si Pirena?
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, nagpakita si Pirena (Glaiza De Castro) kina Mira (Kate Valdez) at Lira (Mikee Quintos) bago pa man tuluyang lisanin ng dalawa ang Balaak.
Sa pagbabalik, masayang ibinalita ni Mira kay Nunong Imaw na nailigtas nila si Pirena at nagtagumpay na maisara ang Balaak.
Samantala, galit ni Danaya (Sanya Lopez) ang sasalubong kay Pirena sa pagpunta nito sa Lireo.
Sa mundo ng mga tao, nagboluntaryo sina Zaur (Gabby Eigenmann) at Olgana (Bianca Manalo) na sila ang haharap sa mga Sang'gre. Tutulungan din ni Cami (Rere Madrid) si Gargan (Tom Rodriguez) na mabihag si Terra (Bianca Umali).
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.