
Pupunta na sa kuta ni Gargan (Tom Rodriguez) ang magkakapatid na Sang'gre na sina Danaya (Sanya Lopez), Pirena (Glaiza De Castro), Alena (Gabbi Garcia), at Amihan (Kylie Padilla) kasama sina Flamarra (Faith Da Silva), Adamus (Kelvin Miranda), at Deia (Angel Guardian).
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, magkakasamang haharapin ng pitong Sang'gre si Gargan. Tiwala naman ang Itim na Bathala na hindi siya masasaktan ng mga Sang'gre.
Samantala sa Encantadia, susubukang kuhanin ni Hagorn (John Arcilla) ang asvor (setro) kay Mitena (Rhian Ramos) sa utos na rin ni Gargan. Kasalukuyan namang hinaharap nina Lira (Mikee Quintos) at Mira (Kate Valdez) si Mitena para bawiin ang setro.
Sa Sapiro, kukumprontahin ni Rama Soldarius ang kanyang Ashti Tabun kung siya ba ang taksil na sinasabi ni Hara Armea (Ysabel Ortega).
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SILIPIN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NG FIGHT SCENES NI AMIHAN SA SANG'GRE DITO: