
Hindi maitatangging isa sa mga pinaka-sweet at heartwarming sisterhood na nabuo sa showbiz ay ang pagkakaibigan ng 2016 Sang'gres: Kylie Padilla, Glaiza De Castro, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.
Mula noon hanggang sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, nanatiling matibay ang samahan ng Kapuso stars. Tulad ng kanilang mga karakter, todo-suporta rin sila sa isa't isa sa harap at likod ng kamera.
Kamakailan, muling ipinakita ni Gabbi Garcia ang kanilang masayang bond sa isang heartwarming post para sa kanyang co-star na si Sanya Lopez.
Sa social media, ibinahagi ng Alena actress ang kanilang mga larawan mula pa noong 2016 hanggang sa comeback nila sa superserye.
"Sisters since 2016," ani Gabbi sa captions.
Kaagad namang pinusuan ng netizens ang post, tuwang-tuwa na makita ang dalawa na magkasama muli. May ilan din hindi na makapaghintay sa mga susunod nilang eksena, lalo na't nakalaya na sila sa piitan ni Mitena (Rhian Ramos).
Ngayong gabi, haharapin nina Sang'gre Alena at Danaya ang mga Mine-a-ve sa mundo ng mga tao. Hawak din nila ang magiging kapalaran ni Daron (Jon Lucas) matapos siyang talunin ni Armea (Ysabel Ortega).
Abangan sina Gabbi at Sanya sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa Facebook at YouTube. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, tingnan ang behind-the-scenes photos ng Encantadia Chronicles: Sang'gre cast, dito: