GMA Logo Encantadia Chronicles: Sang'gre
What's on TV

Sang'gre: Tatapusin na nina Pirena, Danaya, Alena, at Amihan ang laban sa mundo ng tao!

By Aimee Anoc
Published March 6, 2026 2:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Straight from the Expert: Beauty Queen Boot Camp' (Part 2)
A free trip to Finland? The 'Chill Like a Finn' challenge gets you a chance to win an all-expense-paid vacation
The NCAA Cheerleading Competition is happening on March 12

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles: Sang'gre


Napasakamay na ng mga Sang'gre ang Itim na Brilyante ni Gargan!

Ngayong Biyernes (March 6), tatapusin na nina Pirena (Glaiza De Castro), Danaya (Sanya Lopez), Alena (Gabbi Garcia), at Amihan (Kylie Padilla) ang paghahasik ni Gargan ng lagim sa mundo ng mga tao.

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, haharapin ng magkakapatid na Sang'gre ang ibinuhos na unos ni Gargan sa mundo ng mga tao.

Samantala, sa Sapiro, mababalitaan na nina Hara Armea (Ysabel Ortega) at Rama Soldarius (Luis Hontiveros) ang pagkamatay ni Osram (Migs Villasis). Matutuklasan pa kaya nila ang pagtatraydor ni Tabun ngayong patay na si Osram?

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

RELATED: Glaiza De Castro shares fun moments with 'Sang'gre' co-actors