
Haharap sina Terra (Bianca Umali) at Adamus (Kelvin Miranda) sa isang panibagong laban.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, muling ipinatawag ni Kera Mitena (Rhian Ramos) si Adamus para sa isang Avevar Ultador (gladiator fight) kung saan hindi na mga taga-Mine-a-ve ang makakalaban nito kundi kapwa niya Encantado.
Ipinasilip din ang pagtatanong ni Mitena sa Batis ng Katotohanan kung sino ang makapangyarihang nilalang. Sasabihin na kaya ni Mukha (Ashley Rivera) ang katotohanan kay Mitena?
Samantala sa mundo ng mga tao, sasagipin ni Terra ang taong na-trap sa isang nasusunog na sasakyan.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG SANG'GRE CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: