
Alam na ni Gov. Emil (Ricky Davao) na si Terra (Bianca Umali) ang Sang'gre. Ito ay matapos na hindi sinasadyang masabi ni Akiro (Vince Maristela) sa kanyang amang si Martin na si Terra ang Sang'gre.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, susugurin ng mga tauhan ni Gov. Emil ang bahay ni Terra. Ipinakita rin na muling malalagay sa panganib ang buhay ni Mona (Manilyn Reynes).
Kaabang-abang naman ang pagtutulungan nina Pirena (Glaiza De Castro) at Terra para mailigtas si Mona sa mga tauhan ni Gov. Emil.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG SANG'GRE CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: