
Patuloy ang paglalakbay nina Terra (Bianca Umali), Lira (Mikee Quintos), at Gaiea (Cassy Lavarias) sa Devas upang alamin ang kasagutan tungkol sa Itim na Brilyante.
Sa inilabas na teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, tutungo naman ang tatlo sa Dalum Deva o ang purgatoryo ng mga Bathala at Bathaluman.
Dito na rin nila mahaharap ang dating kaaway na si Bathalumang Ether (Janice Hung) at ang Bathala na si Arde.
Tutulungan kaya sila ng mga Bathala? Ano kaya ang dapat gawin upang mawasak nang tuluyan ang Itim na Brilyante?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, silipin ang Women's Month tribute ni Sanya Lopez sa gallery na ito: