GMA Logo Terra at Armea
What's on TV

Sang'gre: Terra, makakaharap na si Gargan!

By Aimee Anoc
Published December 5, 2025 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Terra at Armea


Maghahanap na ang konseho ng kabiyak ni Hara Armea na siyang magiging bagong rama (hari) ng Sapiro.

Makakaharap na ni Sang'gre Terra (Bianca Umali) ang Bathala ng Kadiliman na si Gargan (Tom Rodriguez).

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, mabibihag ni Olgana (Bianca Manalo) si Nanay Mona (Manilyn Reynes). Nakiusap naman si Terra kay Olgana na huwag sasaktan ang kanyang nanay. Dito na lumitaw si Gargan at tinanong si Terra kung bakit ito nakikiusap sa kanyang kaaway.

Samantala sa Encantadia, buo na ang desisyon ng konseho na maghanap ng kabiyak ni Hara Armea (Ysabel Ortega) na magiging bagong rama (hari) ng Sapiro.

Ipinakita rin ang pag-aalala sa mukha ni Mira (Kate Valdez) nang may makitang liwanag sa kanyang palad, habang kinukuwestiyon ni Lira (Mikee Quintos) ang "kabaliwan" ni Agnem (Mikoy Morales) kung paano sila maaanakan gayong mga ivtre na sila.

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.