
Tutuparin na ni Terra (Bianca Umali) ang kasunduan nila ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) na sumama sa Encantadia. Ito ay matapos mabunyag sa lahat ang kasamaan ni Gov. Emil (Ricky Davao).
Sa teaser ng inilabas ng Sang'gre, bubuksan na ni Pirena ang lagusan ng Adamya papuntang Encantadia. Hindi naman naiwasan ni Terra na mag-alala kung hindi ba ito mapanganib.
Samantala sa Encantadia, nakuha na ni Zaur (Gabby Eigenmann) ang balintataw ni Imaw at napasakamay na ni Kera Mitena (Rhian Ramos).
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NI SANG'GRE PIRENA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: