
Nakarating na si Terra (Bianca Umali) sa mundo ng Encantadia. Pero unang araw pa lamang ay tila mapapasabak na agad siya sa laban sa pagsama sa kanyang Ashti Pirena (Glaiza De Castro) sa Lireo.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, makikilala na ni Terra ang mga Adamyan at maging ang iba pang mga nilalang sa Encantadia.
Ipinakita rin ang pag-aalala ni Pirena na mabunyag ang mga lihim sa Encantadia ngayong na kay Mitena (Rhian Ramos) ang balintataw ni Nunong Imaw.
Ipinasilip din ang pagpasok nina Pirena at Terra sa Lireo kung saan nagpanggap silang mga alipin.
Samantala, ano kaya ang mangyayari sa muling pagkikita nina Mitena at Cassiopea (Solenn Heussaff) sa Hiraya (panaginip)?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
BALIKAN ANG UKAY-UKAY FASHION NI SANG'GRE PIRENA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: