
Malalaman na ni Terra kung sino si Gaiea.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, umiiyak na tinanong ni Terra (Bianca Umali) si Nunong Imaw kung totoong kapatid niya si Gaiea (Cassy Lavarias) at kung isinakripisyo ang buhay nito para sa kanya.
Ipinasilip din ang paghahanap nina Danaya (Sanya Lopez) at Terra kay Gaiea. Gayundin, ang pagkalaban ni Danaya sa mga gulmorok (soul-hunters) para iligtas si Gaiea.
Samantala, muling magkikita sa Lireo sina Alena (Gabbi Garcia) at Mitena (Rhian Ramos). Ano kaya ang mangyayari sa kanilang paghaharap?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SILIPIN ANG ILAN PANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA 'SANG'GRE' NGAYONG LINGGO SA GALLERY NA ITO: