GMA Logo Bianca Umali as Terra in Encantadia Chronicles Sanggre
What's on TV

Sang'gre: Terra, nagagawa na ang Ivictus; makaligtas kaya mula sa kapahamakan?

By Aimee Anoc
Published July 17, 2025 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds four new classrooms in Bohol this year
Balitang Bisdak: December 15, 2025 [HD]
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali as Terra in Encantadia Chronicles Sanggre


Susubukang buksan ni Sang'gre Pirena ang lagusan patungong Encantadia!

Magpapatuloy ang maaksyong mga eksena sa mundo ng mga tao ngayong Huwebes sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, matutuklasan na ni Terra (Bianca Umali) ang kakayahan niyang mag-ivictus o mag-teleport habang tinatakasan ang mga masasamang taong gustong pumatay sa kanya.

Matatandaan na ipinag-utos ni Gov. Emil (Ricky Davao) sa kanyang mga tauhan na pagbayarin si Terra sa ginawang pananakit sa kanyang anak na si Cami (Pam Prinster) at pagkalaban sa kanyang pamilya.

Sa Encantadia, aalamin na mismo ni Adamus (Kelvin Miranda) mula kay Nunong Imaw ang katotohanan. Ito ay matapos silang magkita ni Flamarra (Faith Da Silva) at sabihan nito na isa siyang Sang'gre.

Maibabalik na kaya kay Adamus ang mga nawala niyang alaala?

Samantala, susubukan ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) na buksan ang puno ng Asnamon, ang nagsisilbing lagusan patungo sa Encantadia at mundo ng mga tao.

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: