GMA Logo Encantadia Chronicles Sang'gre episode 22 teaser
What's on TV

Sang'gre: Terra, paano kaya makakalaya sa kulungan?

By Aimee Anoc
Published July 15, 2025 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam panel talks on 2026 budget to continue on Monday, Dec. 15
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sang'gre episode 22 teaser


Unti-unti nang lumalabas ang kapangyarihan ni Terra bilang isang Sang'gre.

Kasalukuyang nakakulong ngayon si Terra (Bianca Umali) matapos na aminin na siya ang may kagagawan kung bakit may mga nawawalang food supply sa warehouse ni Governor Emil (Ricky Davao).

Matatandaan na sa tulong ng mga kalapati ay ipinamigay ni Terra ang mga pagkain sa mga tao ng Distrito VI.

Sa teaser na inilabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, unti-unti nang lumalabas ang kapangyarihan ni Terra bilang isang Sang'gre. Sa kulungan, naririnig niyang magsalita ang isang daga at naiintindihan ito.

Patuloy namang gumagawa ng paraan si Gov. Emil para hindi makalaya si Terra.

Samantala sa Encantadia, itinatago pa rin ni Flamarra (Faith Da Silva) ang kanyang kapangyarihan mula sa mga Mine-a-ve.

Ipinasilip rin ang pag-uusap nina Adamus (Kelvin Miranda) at Bukag (Eric 'Eruption' Tai), kung saan sinabi ng huli na panahon na para malaman ni Adamus ang katotohanan.

Abangan 'yan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: