
May mga taong nasawi sa muling pagharap ni Terra (Bianca Umali) sa mga Mine-a-ves, at kabilang dito ang ina ng kaibigan niyang si Akiro (Vince Maristela).
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, marami ang sisisihin si Terra sa pagkamatay ng mga tao, kabilang na ang kaibigang si Akiro.
Kinumpronta rin ni Akiro si Terra kung bakit hindi siya gumawa ng paraan para mailayo ang mga kalaban at wala nang inosenteng buhay na nadamay.
Ipinasilip din ang pag-aalala ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) dahil hindi pa rin bumabalik ang kanyang hadiya (pamangkin) na si Terra sa tahanan ng mga duwende.
Samantala, ano kaya ang gagawin ni Gov. Emil (Ricky Davao) sa natagpuang Mine-a-ve na si Koshava?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG 'SANG'GRE' CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: