GMA Logo Bianca Umali bilang Sang'gre Terra
Photo by: sparklegmaartistcenter IG
What's on TV

Sang'gre Terra, tampok sa bagong teaser ng GMA Gala 2025

By Kristine Kang
Published July 10, 2025 10:57 AM PHT
Updated July 28, 2025 8:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP arrests Atong Ang co-accused in missing sabungeros case in Batangas
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali bilang Sang'gre Terra


Ano kaya ang papel na gagampanan ni Sang'gre Terra sa biggest gala ngayong taon?

Malapit na ang isa sa pinakahihintay na Kapuso grand event ngayong taon, ang GMA Gala 2025!

Dagdag sa excitement, isang bagong teaser ang inilabas ng Sparkle GMA Artist Center at GMA Network sa social media.

Tampok dito ang bagong tagapagligtas ng Encantadia, walang iba kundi si Bianca Umali bilang Sang'gre Terra.

Makikitang dumayo ang new-gen Sang'gre sa Mall of Asia Globe, suot ang kanyang warrior costume at dala ang brilyante ng lupa.

Sa globe naman, ipinakita ang mga eksena mula sa red carpet ng nakaraang gala na tampok ang ilan sa pinakamalalaking Kapuso stars sa industriya ng showbiz.

Abangan ang magiging misyon ni Terra sa inaabangang GMA Gala 2025, na gaganapin ngayong August 2.

Samantala, ang teaser ay kaagad umani ng libo-libong views at pinag-usapan sa iba't ibang social media platforms. Marami rin ang nagbahagi ng kanilang excitement na muling makita ang kanilang paboritong Kapuso stars sa isang engrandeng gabi.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Ang GMA Gala ang pinaka-engrande at inaabangang party ng taon kung saan magsasama-sama ang brightest Kapuso stars at iba pang personalities. Ang proceeds ng event ay mapupunta sa mga charitable causes.

Samantala, mapapanood si Bianca Umali bilang Terra sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Balikan ang dazzling looks ng Kapuso stars at ibang celebrities sa GMA Gala 2024: