
Makikita na ni Gov. Emil (Ricky Davao) ang Sang'greng kanyang hinahanap at wala na siyang kawala dahil ito na mismo ang haharap at tatapos sa kanyang kasamaan.
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, susugurin ni Terra (Bianca Umali) si Gov. Emil. Sa kanilang paghaharap, galit na galit na kinumpronta ng Sang'gre ang kasakiman ng gobernador at pagpapahirap nito sa mga tao.
Samantala, ipinasilip din ang pakikipag-usap ni Pirena (Glaiza De Castro) kina Terra, Mona (Manilyn Reynes), at Javier (Boboy Garrovillo) kung saan ipinaalala nito na panahon na para tuparin ni Terra ang kanilang napagkasunduan--ang pagsama ni Terra sa Encantadia.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG SANG'GRE CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: