
Tila magaganap na ang masamang pangitain ni Mitena (Rhian Ramos) kay Adamus (Kelvin Miranda)!
Sa teaser na inilabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, pipiliin ni Adamus na isuko ang Brilyante ng Tubig kay Zaur (Gabby Eigenmann) para mailigtas ang buhay ni Nunong Imaw.
Ipinasilip din na sinusubukang gisingin ni Deia (Angel Guardian) ang wala nang malay na si Adamus. Tuluyang nga bang magpapaalam si Adamus?
Samantala, tila tuluyan nang aanib sa kasamaan si Mitena!
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre at GMA Play sa inyong mobile phones.