
Nabuksan na ni Hagorn ang Balaak!
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, tinatawag na ni Hagorn (John Arcilla) ang mga kampon ng Balaak na sumama sa kanya para sa planong pagwasak sa buong Encantadia.
Sa Balaak, magbabalik na rin ang tunay na Pirena (Glaiza De Castro). Dito, makakaharap niyang muli ang anak na si Mira (Kate Valdez) at ang kapatid na si Alena (Gabbi Garcia), pero tila hindi siya paniniwalaan ng dalawa.
Sa Sapiro, ipadadakip ng konseho kay Soldarius (Luis Hontiveros) ang mga Mine-a-ve dahil sa pagkawala ni Armea (Ysabel Ortega). Kokomprontahin naman ni Daron (Jon Lucas) ang ginawa ni Armea kung saan nagsinungaling itong dinukot ng mga Mine-a-ve para matakasan ang kanyang kasal.
Samantala, ano kaya ang ibig sabihin ng nakikita ni Cassiopea (Solenn Heussaff) tungkol sa mangyayari kina Gaiea (Cassy Lavarias) at Terra (Bianca Umali)?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.