GMA Logo Encantadia Chronicles Sang gre
What's on TV

'Sang'gre' viewers, excited sa labang Pirena at Terra vs. Olgana at Veshdita

By Aimee Anoc
Published August 18, 2025 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landfill landslide victims now all accounted for with last missing body found
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sang gre


Mababawi na kaya ni Pirena ang Brilyante ng Apoy kay Olgana? Matatalo kaya ni Terra si Veshdita? Abangan sa 'Sang'gre' ngayong Lunes!

Marami na ang nag-aabang sa exciting na paghaharap nina Pirena at Terra laban sa grupo nina Olgana at Veshdita sa mundo ng mga tao.

Base sa komento ng Sang'gre viewers, excited na silang makita ang tunggalian nina Terra, na pinagbibidahan ni Bianca Umali, at Veshadita, na ginagampanan naman ni Shuvee Etrata.

Excited din ang marami na malaman kung mababawi na ba ni Pirena (Glaiza De Castro) ang Brilyante ng Apoy kay Olgana (Bianca Manalo).

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre ngayong Lunes, ipinasilip ang pakikipaglaban ni Pirena kay Olgana at ang tangkang pagbawi nito sa Brilyante ng Apoy. Kaabang-abang din ang pakikipaglaban ni Terra kay Veshdita.

Ipinasilip na rin ang pag-uusap nina Pirena at Terra tungkol sa Encantadia kung saan malalaman na ni Terra ang kanyang malaking tungkulin bilang isang Sang'gre.

Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG SANG'GRE CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: