GMA Logo John Arcilla at Rochelle Pangilinan bilang Hagorn at Agane in Encantadia Sanggre
What's on TV

'Sang'gre' viewers, na-excite sa pagbabalik nina Hagorn at Agane

By Aimee Anoc
Published November 3, 2025 3:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Bolick delivers late dagger as NLEX holds off Blackwater
Mga Babaeng Police, Nagpakita sa Katakos sa Pag-responde sa Alarma sa Bomba | Balitang Bisdak
Izzy Johnson wins Manila qualifiers of freestyle dance competition

Article Inside Page


Showbiz News

John Arcilla at Rochelle Pangilinan bilang Hagorn at Agane in Encantadia Sanggre


Magbabalik sina John Arcilla at Rochelle Pangilinan bilang Hagorn at Agane para sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'

Excited na ang Sang'gre viewers sa pagbabalik nina John Arcilla at Rochelle Pangilinan bilang Hagorn at Agane, ang kanilang iconic characters sa Encantadia.

Noong Sabado (November 1), ipinasilip na ng Sang'gre ang ilang mga eksena nina Hagorn at Agane sa Balaak (impyerno). Nagbabalik si Hargorn bilang Panginoon ng Balaak at naroroon din ang kanyang kamay na si Agane.

Nakilala si Hagorn sa Encantadia 2016 bilang Hari ng Hathoria at ama ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro).


Bukod sa excitement, nabigay rin ng kanilang teorya at suhestiyon ang ilang netizens sa pagbabalik ni Hagorn.


Inaabangan din ng viewers ang mangyayari sa muling pagkikita nina Pirena at Hagorn sa Balaak.


Abangan ang pagbabalik nina John Arcilla at Rochelle Pangilinan bilang Hagorn at Agane sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

SAMANTALA, TINGNAN ANG REMARKABLE SCENES NI SANG'GRE PIRENA SA GALLERY NA ITO: