
Maraming viewers na ang nagbigay ng kani-kanilang theories tungkol sa mangyayari sa kuwento ng Encantadia Chronicles: Sang'gre at sa mga karakter nito.
Isa na rito ang content creator na si Jezreel Ely na naglabas ng sarili niyang teorya kung bakit maraming namamatay na mga karakter sa Sang'gre.
Para kay Jezreel, ito ay dahil maaaring nasa Devas, katumbas ng langit, ang impormasyon para matalo si Mitena (Rhian ramos), ang makapangyarihan Reyna ng Nyebe.
Nagbigay rin siya ng teorya tungkol sa karakter ni Deia (Angel Guardian), ang magiging bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin. Aniya, tulad ni Amihan (Kylie Padilla) ay maaaring magkakaroon din si Deia ng espesyal na koneksyon sa Devas.
Dagdag pa sa teorya ni Jezreel ay kung nakuha na ba talaga ni Mitena ang mga Brilyante? Sabi niya, "Paano kung hindi naman pala buong Brilyante 'yung nakuha niya."
@jezreelely Bakit ang daming namamatay ngayon sa Sang'gre? Ano ang mga theories nyo sa Encantadia Chronicles Sang'gre? #Encantadia #EncantadiaChroniclesSanggre #Sanggre #theory #itstheorytime #jezreelely #whatsupmgakamaganak #amihan #deia #mitena #fyp ♬ original sound - Jezreel Ely
Nagbigay naman ng opinyon ang TikTok content creator na si kapakpak_bnk sa pagiging "overpower" ni Mitena.
Naisip niya na sanggol pa lamang si Mitena ay malakas na talaga ito kaya, aniya, napagkamalan itong ivtre (kaluluwa), at kung bakit ganoon na lamang kalakas ang paghigop niya sa mga Brilyante.
"Malakas na talaga siya nu'ng sanggol pa lang siya... Kasi talagang 'yung energy nahihigop niya kaya nga nagkakasakit lagi si Cassiopea noon 'di ba?" sabi niya.
@kapakpak_bnk PIRENA NAMAAAANN 😭😭 #fyp #encantadiachroniclessanggre #sanggre #gmanetwork #pirena ♬ original sound - kapakpak_bnk
Nagbigay rin ng teorya ang TikTok user na si elruelmendezlipa tungkol kay Anaca (Mika Salamanca), ang loyal owl ni Mitena. Para sa kanya, maaaring si Anaca ang tunay na "villain" sa kuwento.
@elruelmendezlipa Anaca theory time. From my perspective, Is Anaca might the real villain of the story or she has an accomplice/ associated someone like ms. suzette mentioned that there is also bathala exist in encantadia? Feel free to comment if you have another theory from her. #encantadiachronicles #encantadia #anaca ♬ original sound - lex ⋆˙⟡
Para sa kasagutan sa inyong mga katanungan at teorya patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES MOMENTS NG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: