
Malaking banta para kay Zaur (Gabby Eigenmann) ang mga Sang'gre na may hawak sa natitirang Brilyante!
Sa ika-73 episode ng Sang'gre na napanood noong Miyerkules, ipinag-utos na ni Zaur kina Ednu (Jaime Wilson) at Daron (Jon Lucas) ang paglusob sa Asilades para paslangin ang mga Sang'gre.
Samantala sa teaser na inilabas ng Sang'gre, magbabadya ang pagdududa ni Mitena (Rhian Ramos) kay Terra (Bianca Umali). Makakabalik na rin si Terra sa kapwa niya mga Sang'gre.
Ipinasilip din ang paghahanda ni Pirena (Glaiza De Castro) sa apat na itinakda sa pagpunta sa Akashic dahil maaaring nakasulat dito kung paano manunumbalik ang kapangyarihan ng mga Brilyante.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: