
Matapos na makuha ang Esperanto, susubukan naman ngayon ni Zaur (Gabby Eigenmann) na kuhanin ang mga Brilyante kay Mitena (Rhian Ramos).
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, sapilitang palalabasin ni Zaur kay Mitena ang mga Brilyante. Dito na makakalaban ni Zaur ang mga Kambal-Diwa ng mga Brilyante na sina Agua, Avilan, at Sari-a.
Ipinasilip din ang pagkakaroon ng lindol sa Encantadia, na ikinabahala ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) dahil maaaring may nangyayaring hindi maganda.
Samantala, pagbigyan kaya ni Terra (Bianca Umali) ang pakiusap sa kanya ni Deia (Angel Guardian) na tulungan siyang hanapin ang kanyang inang si Olgana (Bianca Manalo)?
Ipinasilip din ang pagkuha ni Deia sa Balintataw habang natutulog si Pirena, na nakita naman ni Terra.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG MGA KAMBAL-DIWA NG MGA BRILYANTE RITO: