
Susubukang kuhanin ni Zaur (Gabby Eigenmann) ang Hirada, na dating espada ni Aquil (Rocco Nacino).
Ito ay matapos siyang humiling kay Gargan (Tom Rodriguez) ng mas makapangyarihang armas na magagamit niya laban sa mga Sang'gre.
Sinabi naman sa kanya ni Gargan na may isang malakas na sandata na nasa mundo ng mga tao--ang Hirada ni Aquil, na ngayon ay nababahiran na rin ng dilim dahil sa pagpaslang nito kay Emre.
Sa Lireo, binanggit na ni Mitena (Rhian Ramos) kay Hara Alena (Gabbi Garcia) ang Batis ng Katotohanan para mapatunayan na totoo ang kanyang sinasabi na nakalaya na si Hagorn (John Arcilla) mula sa Balaak.
Samantala, hindi na makapaghintay si Hagorn na mapalaya ang kanyang mga alagad mula sa Balaak!
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
RELATED GALLERY: Mikee Quintos, ipinakita ang behind-the-scenes sa set ng 'Sang'gre'