GMA Logo Daig Kayo Ng Lola Ko August 9 teaser
What's on TV

Sangkatutak na magic sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' | Teaser Ep.

By Aedrianne Acar
Published August 3, 2020 6:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News

Daig Kayo Ng Lola Ko August 9 teaser


Magiging sulit ang weekend ninyo 'pag nakinig sa mga kuwento ni Lola Goreng (Gloria Romero) sa darating na Linggo ng gabi!

Ang lakas n'yo kids sa favorite lola on TV na si Lola Goreng (Gloria Romero), dahil sagot niya ang magical bonding with your whole family sa darating na Linggo ng gabi.

Bibida sa unang kuwento niya na 'Squad Goals and the Mountain Fairy,' ang mga iniidolo ninyong Kapuso stars na sina Shaira Diaz, Kate Valdez, Divine Tetay at Thea Tolentino.

Squad Goals and the Mountain Fairy

Magpapakilig naman ang tambalan na DerBie sa part two ng story time ni Lola Goreng!

Masasaksihan ang pagganap nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa classic fairytale story na "Snow White and the Seven Dwarfs."

Snow white and the seven dwarfs

Kaya ano pa ang hinihintay n'yo! Mark your calendars para sa isang entertaining Sunday night this coming August 9.

Una ang magical story ng magkakaibigan sa "Squad Goals and the Mountain Fairy" sa oras na 7:05 p.m. at susundan naman ito ng "Snow White and the Seven Dwarfs" sa ganap na 7:45 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho.