
May ilang buwan na nang ipaalam ni Sanya Lopez sa publiko na masaya ang kaniyang love life at na merong isang mystery man na nagpapatibok ng kaniyang puso.
February pa lang, sa pagbisita niya, kasama ang kapwa Encantadia Chronicles: Sang'gre stars sa Fast Talk with Boy Abunda noong sabihin niyang okay naman at masaya ang kaniyang buhay pag-ibig.
Ayon pa kay Sanya, ang co-Sang'gres niya na sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, at Gabby Garcia ang unang nakakilala kay mystery man.
“Sila 'yung number one na excited talaga sa akin bago pa mangyari ang lahat. Sila 'yung sa mga unang nakakita, nakakilala,” sabi ni Sanya.
Kilig na kilig pa nga si Sanya nang sabihin na foreigner ang kaniyang mystery man.
BALIKAN ANG PAGKUKWENTO NI SANYA TUNGKOL SA KANIYANG LOVE LIFE SA GALLERY NA ITO:
Sa parehong GMA Afternoon Prime talk show nitong Miyerkules, May 13, ibinahagi ni Sanya na napag-uusapan na rin nila ang tungkol sa paglagay sa tahimik.
“Siyempre, Tito Boy, kumbaga siguro nasa tamang age na rin naman na kami, hindi na naman na tayo pabata, hindi na tayo dapat pabebe pa,” sabi ni Sanya.
Natuto na rin umano ang aktres na kapag pumasok sa isang relasyon, ang kasal dapat ang ultimate goal nila.
“Ako kasi, Tito Boy, natuto na 'ko na 'pag pumasok ka talaga sa relationship, dapat hindi ka na nakikipaglaro. Dapat 'yun talaga 'yung goal n'yo pareho. Kasi kapag ganu'n, I think merong problem sa relationship,” sabi ng aktres.
Sabi pa ni Sanya, lubos namang naiintindihan ng kaniyang mystery man ang kaniyang trabaho ngayon.
Samantala, dahil limang taon na ang relasyon nina Jne Oineza at RK Bagatsing, nagbigay ng payo ang aktres kay Sanya tungkol sa pag-ibig.
“I think ano lang naman 'yan, everyday, kailangan n'yong piliin 'yung isa't isa kasi may mga araw naman na hindi tayo in our best behavior. So ang importante ay communication, of course, but 'yung understanding din,” sabi ng aktres.