GMA Logo Cassy Lavarias and Sanya Lopez
Source: cassy_lavarias (IG)
Celebrity Life

Sanya Lopez at Cassy Lavarias, sumayaw sa 'Hot Maria Clara'

By Marah Ruiz
Published December 26, 2025 3:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SWS: Net trust rating ni Marcos sa Nov., nasa -3%; VP Sara, umangat sa 31%
How celebrity families celebrated Christmas 2025
Kids in Siquijor get gifts from Canadian musician

Article Inside Page


Showbiz News

Cassy Lavarias and Sanya Lopez


Magkasamang sumayaw sina Sanya Lopez at Cassy Lavarias sa viral hit na "Hot Maria Clara."

Isang nakakatuwang video ang ibinahagi ni young Kapuso actress Cassy Lavarias sa kanyang social media accounts.

Makikita dito ang pagsayaw si Cassy sa viral hit song na "Hot Maria Clara" habang suot ang costume ng karakter niyang si Gaiea mula sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Lalo pang naging special ang video dahil kasama niya dito ang original singer at Sang'gre co-star niyang si Sanya Lopez.

Game na game na nag-lipsync si Sanya sa kanta habang sumasayaw si Cassy sa tabi niya.

A post shared by Cassy Lavarias (@cassy_lavarias)

Ang "Hot Maria Clara" ay single ni Sanya Lopez na inilabas noong 2022.

Nag-viral ito sa TikTok nitong 2025 dahil sa nakakaaliw na lyrics at "earworm" na tunog.

Dahil sa atensiyon online, nakaabot ito sa number one spot sa Viral Songs chart ng Spotify Philippines.

Samantala, kasalukuyang napapanood sina Sanya at Cassy sa sa GMA Prime telefantasya na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Gumaganap si Sanya bilang Sang'gre Danaya, habang si Cassy naman ang anak niyang si Gaiea.

Mula sa mundo ng mga tao, kailangang bumalik ni Sang'gre Danaya sa Encantadia dahil humihingi ng tulong ang kapatid niyang si Sang'gre Alena (Gabbi Garcia.)

Makikiusap naman ni Terra (Bianca Umali) na iwan si Gaiea sa mundo ng mga tao para magkasama at magkakilala pa sila nang lubos.

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong 'yan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.