GMA Logo Sanya Lopez and Gabby Concepcion
What's on TV

Sanya Lopez at Gabby Concepcion, nagkita na for the first time sa set ng 'First Yaya'

By Cherry Sun
Published November 27, 2020 11:36 AM PHT
Updated March 3, 2021 2:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez and Gabby Concepcion


May natanggap pang munting regalo si Sanya Lopez mula kay Gabby Concepcion!

Hindi maitanggi ang tunay na kilig at tuwa sa ngiti at mga mata ni Sanya Lopez. Finally ay nagkita na kasi sila ng kanyang leading man na si Gabby Concepcion sa lock-in taping ng upcoming Kapuso rom-com series na First Yaya.

Sanya Lopez and Gabby Concepcion

Kahapon, November 26, isang teaser ang ibinahagi ni Gabby sa pagsisimula ng lock-in taping ng kanyang pagbibidahang programa kasama si Sanya. Ang First Yaya ang una nilang trabaho magkasama.

Bilang panimula, isang regalo rin ang ibinigay ng aktor sa Kapuso actress. Ang kanyang gift, may kasama pang dedication.

Gabby Concepcions gift for Sanya Lopez

Ngayong araw naman ay ipinasilip din ni Sanya ang kanyang look bilang si Yaya Melody.

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Ilang litrato rin mula sa kanilang unang araw ng taping ang ibinahagi sa Instagram account ng GMA Network.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Kasama rin nina Gabby at Sanya bilang co-stars sina Maxine Medina, Pancho Magno, Pilar Pilapil, Gardo Versoza, Sandy Andolong, Buboy Garovillo, Cassy Legaspi, Cacai Bautista, Thou Reyes, Glenda Garcia, Analyn Barro, JD Domagoso, Anjo Damiles, Jerrick Dolormente, Cai Cortez, Kiel Rodriguez, at Jhenzel Angeles.

ALSO READ:

EXCLUSIVE: Sanya Lopez, handa ba kung magkaroon ng intimate scenes with Gabby Concepcion?

EXCLUSIVE: Sanya Lopez, binalikan ang mga panahong nangangarap lang siyang mag-artista