What's on TV

Sanya Lopez, bakit nahirapan sa 'Cain at Abel?'

By Aaron Brennt Eusebio
Published November 15, 2018 5:17 PM PHT
Updated November 15, 2018 5:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Inamin ni Kapuso leading lady Sanya Lopez na isang kakaibang challenge para sa kanya ang kanyang role sa 'Cain at Abel.'

Inamin ni Kapuso leading lady Sanya Lopez na isang kakaibang challenge para sa kanya ang pagiging nanay sa Cain at Abel.

Sa media conference ng Cain at Abel noong Martes sa Prime Hotel, ikinuwento ni Sanya na sobrang nahirapan siyang gampanan ang role ng isang inang may anak na may sakit sa puso.

LOOK: Sanya Lopez stuns at the 'Cain at Abel' media launch

Aniya, “Ang mahirap lang sa akin 'yung pagiging ina kasi wala naman po akong anak so paano ko ilalagay 'yung sarili ko sa pagiging mommy dun sa anak ko rito.”

Nahirapan din daw siyang 'wag tawaging 'kuya' ang mga bida na sina Dennis Trillo at Dingdong Dantes na 15 years ang tanda sa kanya.

READ: Dingdong Dantes and Dennis Trillo join forces in newest primetime drama 'Cain at Abel'

Saad niya, “Nasanay ako na kuya Dong at kuya Dennis ang tawag ko sa kanilang dalawa pero pag dating sa set, kailangan kong alisin 'yung ganon. Pag eksena na, nilalagay ko na ka-age ko lang sila.”

Mapapanuod na ang Cain at Abel sa Nobyembre 19 sa GMA Telebabad.