What's on TV

Sanya Lopez, bibigyang buhay ang kuwento ni Maegan Aguilar sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published November 18, 2022 10:52 AM PHT
Updated November 25, 2022 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Gaganap si Sanya Lopez sa life story ni Maegan Aguilar sa bagong episode ng '#MPK.'

Ang life story ng controversial singer-songwriter na si Maegan Aguilar ang pangalawang kuwento ng 20th anniversary offerings ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Bibigyang-buhay ni Kapuso actress Sanya Lopez ang kuwento ni Maegan sa bagong episode ng #MPK na pinamagatang "Listen To My Heart."

May angking galing sa pag-awit at pagsusulat ng kanta si Maegan hanggang naharap sa pagsubok.

Alamin ang iba't ibang pinagdaanan ni Maegan sa kanyang karera, pamilya at pag-ibig sa pangalawang offering mula sa 20th anniversary special ng '#MPK' na "Listen To My Heart: The Maegan Aguilar Story," November 26, 8:15 p.m.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: