What's on TV

Sanya Lopez, bida sa Halloween special ng '#MPK'

By Marah Ruiz
Published October 28, 2020 4:08 PM PHT
Updated October 28, 2020 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bilihan ng paputok sa Bulacan, dinadayo na; ilang uri ng paputok, tumaas na ang presyo
VPSD, mapasalamaton tungod nahatagan og taas nga panahon nga makauban si FPRRD | One Mindanao
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Halimaw sa Kama on MPK


Bibida si Sanya Lopez sa bagong erotic horror Halloween special ng #MPK ngayong Sabado.

Tampok si Kapuso actress Sanya Lopez sa Halloween special ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Gaganap siya dito bilang Mayet, isang babaeng gabi-gabing binibista ng isang misteryosong anino na sumisiping sa kanya.

Sanya Lopez on MPK

Hindi naman siya paniniwalaan ng asawa niyang si Vic, na ginaganapan ni Pancho Magno.

Ang masama, iisipin pa nitong nakikiapid si Mayet!

Wala namang magawa dito ang kanyang inang si Andeng, role ni Angeli Bayani.

Takot din namang magsumbong si Mayet sa stepfather niyang si Willy, na role naman ni Mon Confiado.

Matakasan pa kaya ni Mayet ang aninong gumagalaw sa kanya?

Alamin 'yan sa fresh episode na pinamagatang "Halimaw sa Kama," ngayong Sabado, October 31, 8:15 pm sa '#MPK.'