GMA Logo Sanya Lopez
Courtesy: sanyalopez (IG)
What's Hot

Sanya Lopez buys an early birthday gift for herself

By EJ Chua
Published June 17, 2026 4:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LPA monitored outside PAR has 'medium' chance of becoming storm — PAGASA
Atasha Muhlach is Annie Batungbakal in 'Bongga Ka Day!: The Annie Batungbakal Musical'
King cobra hatchling rescued in Cotabato

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


May big purchase si Sanya Lopez para sa kanyang upcoming birthday!

Masayang ini-reveal ni Sanya Lopez ang tungkol sa early birthday gift niya para sa kanyang sarili.

Sa latest social media post ni Sanya, ibinahagi niya ang ilang photos kung saan makikita na tila ready na siyang magroad trip gamit ang birthday gift niya sa sarili - isang bagong sasakyan.

Ayon sa Sparkle actress, ito ay bunga ng kanyang pagsisikap.

“I've always believed that if you work hard, stay patient, have a good heart and trust God's timing, beautiful things will eventually find their way to you,” sulat niya sa caption ng kanyang Instagram post.

Bukod dito, nagpasalamat si Sanya sa lahat ng blessings na kanyang natatanggap.

Paglalarawan niya sa bago niyang sasakyan, “A little early for my birthday, but here's a gift to myself. Thank you po Lord sa lahat ng blessings mo po palagi.”

Mababasa sa comments section ang positive comments at congratulatory messages ng fans at ng kanyang fellow celebrities para sa kanyang bagong big purchase para sa kanyang sarili.

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Magse-celebrate si Sanya ng kanyang 30th birthday sa darating na August.

Matatandaang isa sa remarkable roles niya bilang Kapuso actress ay ang kanyang karakter sa GMA series na First Yaya.