
Matagal nang pangarap na makatrabaho ni Kapuso actress Sanya Lopez ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Sanya na kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niyang maging leading man si John Lloyd.
"Since nandito na po sa atin si Mr. John Lloyd Cruz, bakit hindi si Mr. John Lloyd Cruz 'di ba? Since pangarap ko talaga siya," sabi ni Sanya.
Dagdag niya, "Sobrang gustong-gusto ko kung paano siya umarte. Pinapanood ko before 'yung mga pelikula niya kaya sobrang fan talaga ako ni Mr. John Lloyd Cruz. If ever sana siya."
Kasalukuyang napapanood si John Lloyd sa sitcom na Happy ToGetHer tuwing Linggo ng gabi, 7:40 p.m. sa GMA.
Samantala, naghahanda naman ngayon si Sanya para sa kauna-unahan niyang single under GMA Music, ang "Hot Maria Clara," na mapapakinggan na sa July 15. Mapapanood din sa kaparehong araw ang music video ng kanyang debut single.
TINGNAN ANG PRETTIEST LOOKS NI SANYA LOPEZ SA GALLERY NA ITO: