GMA Logo Sanya Lopez
Photo by: sanyalopez (IG)
What's on TV

Sanya Lopez, foreigner ang mystery boyfriend?

By Aimee Anoc
Published February 7, 2026 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos creates inter-agency body for PH participation in Green Expo 2027
#BasyangPH leaves 5 people dead in Iligan
Grace over time: Loida Nicolas Lewis' philosophy on youth, wellness, and purpose

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Sanya Lopez: "Ang gusto ko sa lalaki 'yung foreigner."

"In love na in love" si Sang'gre actress Sanya Lopez ngayon.

Sa kanyang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes (February 6) kasama ang kapwa Sang'gre na sina Glaiza De Castro, Kylie Padilla, at Gabbi Garcia, inamin ni Sanya na masaya ang kanyang love life ngayon at naipakilala na rin niya ang mystery boyfriend sa kanyang co-Sang'gres.

Ipinakita rin ni Sanya kay King of Talk Boy Abunda ang diamond promise ring na bigay ng kanyang mystery boyfriend.

Tila nagbigay pa ng ibang detalye si Sanya tungkol sa guy na nagpapatibok ng kanyang puso sa pagsalang sa Fast Talk segment.

Nang tanungin kung Pinoy o foreigner, kinikilig na sagot ni Sanya, "foreigner."

Ani pa ng aktres, "in love na in love" siya, na nagpatili kina Glaiza, Kylie, at Gabbi.

Nang pakumpletuhin kay Sanya ang linyang, "Ang gusto ko sa lalaki 'yung___," sagot ng aktres, "'yung foreigner."

Dagdag pa ni Sanya, "yung mayaman."

Related content: LOOK: Sanya Lopez's prettiest photos