
Excited ang Kapuso actress na si Sanya Lopez na maging parte ng isa sa mga bagong episodes ng 'Wish Ko Lang' na mapapanood ngayong Sabado. Ang nasabing episode ay pinamagatang 'Kidlat'.
“I was so excited when I found out na I'll be part of a new episode of Wish Ko Lang.
“Lalo na yung story ng dalawang magkapatid na involved sa isang tragic event sa buhay nila.
“Ang ganda ng story nilang magkapatid.”
Ang 'Kidlat' episode ay tungkol sa magkapatid mula Laurel, Batangas na sina Kathleen at Khaycee, na nasawi matapos tamaan ng kidlat noong July 12.
Isa sa mga eksena nina Sanya at Ayeesha sa Kidlat episode ng Wish Ko Lang / Source: @WishKoLangGMA (FB)
Umakyat ang magkapatid sa bundok noong araw na 'yon upang tulungan ang kanilang ina sa pagkuha ng niyog na gagamitin sa kanilang pagtitinda.
Sa kasamaang palad, sila'y tinamaan ng kidlat at dead on arrival na nang dalhin sa ospital.
Sina Sanya at Ayeesha Cervantes ang gaganap bilang ang magkapatid na Kathleen at Khaycee. Kasama rin nila sa dramatization sina Allan Paule at Sue Prado.
Ang director ng Philippine adaptation ng Descendants of the Sun na si Direk Rommel Penesa ang napiling mamuno ng 'Kidlat' episode.
Ani Sanya, masaya siyang makatrabaho muli si Direk Rommel sa 'Wish Ko Lang'.
“Direk Rommel has always been my favorite director. Parang tatay ko na yan.
“Alagang-alaga ako nyan sa set at alaga rin nya mga scenes ko. He's very good in his craft.”
Natutuwa din si Sanya sa pagpapatupad ng safety protocols sa kanilang taping para sa 'Kidlat' episode.
“So lucky that I am with professional actors and professional production team kaya everything went smoothly.”
At ikinuwento rin ni Sanya na hindi niya maiwasang maka-relate sa istorya nina Khaycee at Kathleen dahil close din sila ng kanyang kapatid na si Jak Roberto.
“Nako-compare ko siya sa amin ni kuya, si Jak Roberto. Dalawa lang kasi kaming magkapatid, at tulad nila close din kami ni kuya ngayon. Although unfortunately nag-end lang sa tragedy yung buhay nila.”
Panoorin ang natatanging pagganap ni Sanya sa 'Kidlat episode at alamin kung ano kaya ang hiling ng pamilya nina Kathleen at Khaycee, na tutuparin ng Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales.
Abangan lahat 'yan sa 'Wish Ko Lang', ngayong Sabado, 4 p.m. sa GMA-7.
MAGKAPATID NA NAGSISIKAP PARA BUHAYIN ANG PAMILYA, PAREHONG HINABOL AT TINAMAAN NG KIDLAT! MAKALIGTAS PA KAYA...
Posted by Wish Ko Lang on Tuesday, July 28, 2020
Vicky Morales, grateful for warm reception to all-new 'Wish Ko Lang' episodes
RELATED:
Vicky Morales, grateful for warm reception to all-new 'Wish Ko Lang' episodes