
Patuloy ngang naging certified scene stealer si Sanya Lopez, hindi lang sa acting, kundi pati na rin sa social media.
Sa isang exclusive interview ng GMA Network.com, nag-react ang Sang'gre star tungkol sa kaniyang viral na memes mula sa kaniyang acting lines.
"Si scaredy cat," biro ni Sanya.
"It's okay, I mean, there's nothing wrong with it as long as parang nakakapagbigay ako ng saya sa kanila, go," sabi nito.
Dagdag pa niya, "Wala naman akong ginagawang masama."
Ang nag-viral na acting line ni Sanya ay mula sa kaniyang 2013 GMA series na Dormitoryo.
Maliban sa kaniyang acting lines na nag-viral, unang naging tampok si Sanya dahil sa kaniyang kantang "Hot Maria Clara" na kinaaliwan ng netizens sa social media.
Inamin ni Sanya na hindi niya inaasahan ang pag-viral nito kaya sobrang natutuwa ang aktres.
"Actually, nakakatuwa na bigla ulit nag-viral. Actually, it all started with a meme diba but later on, nakakatuwa na at nagugustuhan na ng mga tao, ng mga nakakakinig nung song and na-appreciate na nila 'yung kanta which is nakakatuwa. So, thank you kung sino man ang nagpa-viral. Ang galing mo," sabi ni Sanya.
Masusubaybayan si Sanya bilang Sang'gre Danaya sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
Samantala, tingnan dito ang prettiest photos ni Sanya Lopez: