
Isa si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa Kapuso singers na gustong maka-collaborate ni Sanya Lopez.
Sa exclusive interview sa GMANetwork.com, sinabi ni Sanya na kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais niyang maka-collaborate si Julie Anne dahil isa ito sa pinakakilalang mang-aawit sa bansa.
"Marami, pero isa roon ay si Julie Anne San Jose, of course. Kasi favorite ko 'yung kanta niyang 'I'll Be There.' 'Yung mga ganoong kanta minsan masarap lang din kantahin 'di ba?" pagbabahagi ng aktres.
Sa July 15, mapapakinggan na ang kauna-unahang single ni Sanya under GMA Music, ang "Hot Maria Clara," na aniya ay tungkol sa "makabagong Maria Clara."
Sa kaparehong araw, mapapanood din ang music video ng "Hot Maria Clara."
"Kung si Maria Clara rati ay mahinhin, tahimik, ngayon mas palaban na siya. Whether sa love life o iba pang mga aspect in life," paliwanag ni Sanya sa kanyang debut single.
Dagdag niya, "Marami sa atin when it comes to love nasasaktan tayo, kumbaga pakiramdam natin nababalewala tayo ng mga guys. Pero sa kantang ito, ipinakita natin na kahit na ano pang gawin ng mga guys sa atin ay hindi tayo basta-basta. Alam natin kung paano natin i-handle ang sarili natin, kung paano natin maipakita sa kanila na kaya nating tumayo kahit tayo lang at hindi tayo basta-basta."
TINGNAN ANG HOTTEST PHOTOS NI SANYA LOPEZ SA GALLERY NA ITO: