
Nagparating ng pasasalamat ni Kapuso leading lady Sanya Lopez sa panibang award na natanggap niya kamakailan.
Pinarangalan kasi si Sanya sa ALTA Media Icon Awards 2017 bilang Most Promising Female Star on TV.
Matatandaang si Sanya ang gumanap sa role ni Sang'gre Danaya sa 2016 'requel' ng iconic GMA telefantasyang Encantadia. Ngayon naman, siya ang bida sa hit GMA Afternoon Prime series na Haplos.
Samantala, ang kapatid ni Sanya na si Jak Roberto ay naparangalan din bilang Most Promising Male Star For TV.
Ang ALTA Media Icon Awards ay taunang parangal ng mga mag-aaral ng kursong AB Communication ng University of Perpetual Help System DALTA - Las Piñas Campus. Kinikilala nila dito ang iba't ibang mga personalidad sa larangan ng komunikasyon.