
Bukod sa husay sa pag-arte, kina-career din ng ang First Lady actress na si Sanya Lopez ang paggawa ng content sa fastest growing social media app na TikTok.
Sa latest trend na “Toxic challenge,” hindi nagpahuli si Sanya sa pag-upload ng kanyang entry. Suot ang kanyang workout outfit at high heels, hot na hot na humataw ang aktres.
At dahil sa ipinakitang husay sa pagkembot at pagpostura habang sumasayaw, mas napahanga pa ni Sanya ang kanyang fans at followers. Ilang netizens ang nagpadala ng kanilang positive comments sa excellent dancing skills ng Kapuso actress.
Umabot na sa 100k likes at 590k views ang TikTok video ni Sanya.
@sanya_lopez uso daw to? 👠
♬ Toxic x Pony - ALTÉGO
Sa kasalukuyan, mayroon nang 11.8 million followers si Sanya Lopez sa kanyang TikTok account.
Nito lamang nakaraang Disyembre, isang dance video rin ang inupload ni Sanya sa kanyang social media accounts kung saan mapapanood na kasama niyang sumasayaw ang bagong Kapuso actress na si Rabiya Mateo.
Samantala, tingnan ang most memorable TV roles ni Sanya Lopez sa gallery na ito: