GMA Logo Sanya Lopez
What's on TV

Sanya Lopez, humanga sa pasabog ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'

By Kristian Eric Javier
Published June 9, 2025 3:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Commissioner Rossana Fajardo, nagbitiw sa ICI
Weak ash emission on Mt. Kanlaon generates 400-m plumes
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Puno ng paghanga si Sanya Lopez sa leveled up na produksyon ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'.

Malaki na umano ang pinagbago ng production ng Encantadia Chronicles: Sang'gre mula sa 2016 na bersyon nito. Kaya naman si Hara Danaya Sanya Lopez, puno ng paghanga sa level-up na production, wardrobe, at hanggang sa CGI effects na dapat umano abangan ng mga manonood.

“Nakakatindig balahibo. Hindi siya simple, siyempre totoo 'yun, dugo't pawis 'yung binigay ng bawat isa du'n, hindi lang sa mga artista, kundi 'yung buong production, 'yung buong team na gumawa ng mga CGI, lahat ng mga effects namin,” sabi ni Sanya sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend nitong Linggo, June 8.

Pagpapatuloy pa ng Sparkle star, ibang ganda ang ibibigay ng Encantadia ngayong 2025 kumpara sa 2016 na bersyon nito kung saan siya unang bumida.

Samantala, kamakailan lang ay kumasa and dating tagapangalaga ng brilyante ng hangin na si Amihan, na ginampanan ni Kylie Padilla, sa TikTok filter na Mga Brilyante ng Encantadia. Tanong ng marami, makikita rin kaya ng mga manonood ang dating tagapangalaga ng brilyante ng lupa na si Danaya?

“Actually, yes. Pero hindi ko pa inilalabas dahil suot ko na ang aking costume doon. So abangan n'yo, guys,” sagot ni Sanya.

Ngunit pagbabahagi ng aktres, hindi lang Encantadia Chronicles: Sang'gre ang dapat abangan sa kaniya dahil katatapos lang niya gumawa ng mga pelikula.

“Kakatapos ko lang gumawa ng pelikula, actually mga pelikula, dalawa na po 'yung natapos ko, dalawa rin 'yung aabangan ninyo bukod dito sa Sang'gre,” sabi ng aktres.

At kahit umano abala siya sa kaliwa't kanan na mga proyekto, sinisigurado ni Sanya na meron pa rin siyang oras para sa kaniyang buhay pag-ibig.

“Alam mo, kapag gusto naman talaga natin, we have time. Yes, may time naman,” saad ng aktres.

Mapapanood na ang Encantadia Chronicles: Sang'gre simula ngayong June 16 sa GMA Prime.

Panoorin ang panayam kay Sanya dito:

RELATED CONTENT: 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' brings fantasy to life at grand media conference