What's Hot

Sanya Lopez, inamin kung sino ang nagbibigay ng sparkle sa kaniyang career

By Maine Aquino
Published January 26, 2022 1:12 PM PHT
Updated January 30, 2022 11:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Alamin kung sino ang inspirasyon ni Sanya Lopez para magkaroon ng sparkling career sa showbiz.

Ikinuwento ni Sanya Lopez ang inspirasyon niya sa pag-sparkle bilang isang aktres sa showbiz.

Ito ay ibinahagi ng Kapuso star at isa sa mga brightest stars of 2022 ng Sparkle sa video na in-upload ng Sparkle YouTube channel.

Ayon kay Sanya, naipapakita niya ang unique personality at qualities niya kapag siya ay nasa harap ng maraming tao.

Sanya Lopez

Photo source: @sanyalopez

"Whenever I talk in front of many people, that makes me unique. Whether it's hosting or performing, doon ko po kasi nailalabas 'yung totoong side ko. I believe kasi whenever you're at your best in doing something, nailalabas mo 'yung unique side mo."

Ibinahagi rin ni Sanya na motivation niya sa showbiz ay ang kaniyang buhay noon at kung paano ito nagbago nang maging Kapuso star siya.

Saad ni Sanya, "Ito po 'yung lagi kong iniisip para mas lalo pa akong magsumikap ngayon. Isa rin sa nagda-drive sa akin ay 'yung passion ko sa craft na ito. Hindi ko na rin po ma-imagine ang sarili ko besides being an actress which I very much love doing."

Dugtong pa ng aktres, iba ang pakiramdam na nakakapag-deliver siya ng magandang performance sa mga manonood.

'Yung satisfaction na ibinibigay sa akin for every performance na nagagawa ko, kapag na-feel ko po na nagawa ko siya nang maganda, it makes me feel na nag-shine show lalo na kung nagustuhan pa ng mga viewers yung show namin, it feels like heaven for me.

Dahil dito, inamin ni Sanya na ang kaniyang mga supporters at Kapuso viewers ang inspirasyon niya na mag-sparkle sa showbiz.

"Kayo po ang rason kaya ako nagsa-sparkle, dahil kayo po ang inspirasyon ko."

Samantala, alamin ang sparkling achievements ni Sanya sa gallery na ito