GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre actress Sanya Lopez
Photo by: Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Sanya Lopez, muntik nang hindi makuha ang role na Danaya

By Aimee Anoc
Published February 7, 2026 12:20 PM PHT
Updated February 8, 2026 2:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kenneth Medrano, ibinahagi ang mabigat na pinagdadaanan sa buhay
Fire razes over 100 stilt houses in Basilan

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre actress Sanya Lopez


Nang mag-leak daw ang photo ng mga gaganap na Sang'gre sa 'Encantadia 2016', nakatanggap ng bashing si Sanya Lopez mula sa netizens.

Hindi napigilang maging emosyonal ni Sang'gre actress Sanya Lopez nang balikan kung paanong tinanggal siya noon bilang Danaya bago pa man magsimula ang Encantadia 2016 dahil sa natanggap na bashing.

Sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes (February 6), kasama ang co-Sang'gres na sina Glaiza De Castro, Kylie Padilla, at Gabbi Garcia, ikinuwento ni Sanya kung paanong kahit na baguhan pa lamang noon sa showbiz ay pinayuhan siya ni Direk Mark Reyes na mag-audition sa Encantadia 2016.

"Sa aming apat, ako po 'yung pinakamarami talagang audition kasi hindi ko rin naman po maalis, ako 'yung pinakabago that time. Wala rin akong mga pinagbidahan na rin noon nu'ng bago mag-audition, ano lang po ako support lang po ako ng parang best friend ng best friend pa ng bida," kuwento ni Sanya.

Pagpapatuloy ng aktres, "Si Direk Mark din kasi 'yon, tinry niya ako, sabi niya sa akin mag-audition din daw po ako rito sa Enca. So ako masaya ako as lambana, akala ko ganu'n lang ako kasi syempre support lang ako. Tapos hanggang pina-audition nila sa akin si Agane, Gurna, hanggang pinalitan nila. Parang 'Ay, huwag mo na palang i-memorize 'yan, dito ka na kay Mira.' Tapos pina-try ako kay Lira. Tapos hanggang naging Alena...

"So ang nangyari po sa akin noon, nakita nila si Danaya. 'Try mo nga si Danaya,' After no'n sinabi na, nu'ng audition tatlong beses na at saka in-announce sa atin na ako na si Danaya. E di happy, happy. Iyakan na kaming lahat."

Pero agad na napalitan ng lungkot ang saya noon ni Sanya nang na-leak ang larawan nilang apat na gaganap na mga Sang'gre at maraming nang-bash sa kanya.

"Pero sa akin 'yung 'the who?' Lagi 'yon 'The who? Sino 'to? Bakit? 'Di naman kilala 'yan.' So ending, syempre, hindi mo maalis na big production, teleserye na inabangan talaga ng lahat, so ang nangyari sa akin no'n Tito Boy inalis pa ako," sabi ni Sanya na ikinagulat nina Glaiza, Kylie, at Gabbi.

Dito na aniya muling nagpa-audition ang show at nag-sorry sa kanya na hindi na siya muna ang gaganap sa role ni Danaya.

"Sabi po sa akin na hindi na ako talaga muna. Hanggang sa nagpa-audition sila kung sino po 'yung choice nila. Hanggang mayroon lang namili sa akin, which is si Atty. Gozon na 'bakit hindi na lang si Sanya ulit kasi siya naman 'yung parang Danaya rin noon.' Tapos pang-lima roon na sinabi nila na ako na po," naluluhang pagbabahagi ni Sanya.

Bago matapos, nilinaw ng aktres na wala siyang pagsisisi o galit kanino man.

Samantala, muling gumaganap ngayon si Sanya bilang Danaya sa pagpapatuloy ng iconic series sa Encantadia Chronicles: Sang'gre kung saan kasama rin niya ang kapwa 2016 Sang'gres na sina Glaiza bilang Pirena, Gabbi bilang Alena, at nagbabalik na si Kylie bilang Amihan.

Abangan ang kanilang reunion soon sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Related content: 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' cast's behind-the-scenes photos