
Nakatanggap ng mga papuri at suporta si Sanya Lopez nang kanyang ibahagi ang teaser ng kanyang inaabangang Kapuso rom-com series na First Yaya.
Noong October 2020 ipinakilala si Sanya bilang ang napiling gumanap sa character ni Yaya Melody sa First Yaya.
Ito ang unang title role ng aktres at ang kanyang unang pagkakataon na makatrabaho at makatambal si Gabby Concepcion.
Noong November naman ay nagsimula na ang lock-in taping ng programa, habang muli silang nagsama-sama sa La Union para sa second leg ng kanilang taping sa pagpasok ng 2021.
Ngayong nalalapit na ang pag-ere ng First Yaya, isang teaser ang ibinahagi ni Sanya sa kanyang Instagram account.
Dito ipinahayag ng kanyang mga kapwa artista at mga tagasuporta ang kanilang excitement para sa programang pagbibidahan niya.
Wika pa ng kanyang dating leading man na si Benjamin Alves, “Can't wait to see your comedic hat on! Congrats Sans!”
Samantala, komento naman ng kanyang fans club na Sanya Warriors, “Super excited makita ka Sanya as Yaya Melody sa rom-com.”
Exciting talaga!
Bago 'yan, silipin muna ang pinakamagagandang litrato ni Sanya sa gallery sa ibaba: