GMA Logo Sanya Lopez and grandma
Photo by: sanyalopez IG
Celebrity Life

Sanya Lopez, ipinagdiwang ang kaarawan ng kanyang lola

By Kristine Kang
Published February 11, 2026 1:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

The Via Crucis (Way of the Cross) procession during Good Friday celebrations in Rome
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez and grandma


May love advice pa raw si lola para sa kanyang apo na si Sanya Lopez!

Marami na ang sabik na ipagdiwang ang papalapit na Araw ng mga Puso!

Ngunit para kay Sanya Lopez, may isa pang mahalagang selebrasyon na mauuna rito—ang kaarawan ng kanyang lola.

Noong Lunes (February 9), masayang binati ni Sanya ang kanyang lola sa isang heartwarming post.

"Yung wish n'ya, hanggang ngayon para pa rin sa aming mga apo n'ya. Bukod sa kada nagkikita kami ni lola, laging tanong n'ya sakin kung may BF na daw ba ako?" ani Sanya.

Naalala ng Kapuso aktres ang mga bilin ng kanyang lola, kabilang na ang paghahanap sa kanyang the right one.

"'Yung may takot sa Diyos. 'Yung taong irerespeto, iingatan at mamahalin din ako, gaya ng pagmamahal at pag-ingat niya sa akin. Kasi 'yung taong pipiliin ko… 'Yun yung taong makakasama ko habambuhay," kwento ni Sanya.

Panigurado raw ni Sanya na palagi niyang ipinagdarasal ito, kasama na ang kalusugan ng kanyang lola.

"Kasi gusto ko din na maabutan mo pa 'yung lahat ng pinapangarap mo para sa amin. I love you so much lola pagaling na ikaw para makapag-date na uli tayo sa labas at makapag halo-halo na gusto mo" dagdag pa niya.

Kasama sa post ang ilang larawan ni Sanya sa pagbisita sa kanyang lola.

Marami ring fans ang bumati sa comment section, kabilang na ang kapatid ni Sanya na si Jak Roberto.

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Ang naturang post ay kasunod sa pinag-uusapang larawan ni Sanya sa isang restaurant. Makikitang may hawak siyang bouquet at diamond necklace na naging sanhi ng usapan tungkol sa kanyang love life.

Inamin naman ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda na "in love na in love" siya sa kanyang mystery boyfriend na aniya ay isang foreigner.

Samantala, mapapanood si Sanya bilang Danaya sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, tingnan dito ang stunning 29th birthday photos ni Sanya Lopez sa gallery na ito: